Wednesday, February 12, 2014

diptonggo

DIPTONGGO/KLASTER

Ang diptonggo (dipthong) ay alin man patinig na sinusundan ng malapatinig na w at y.

Talaan mga diptonggo ng Filipino

salita IPA halimbawa
ay
bahay
ey
beywang
iy
biyaya
oy
tuloy
uy
kasuy
aw
sigaw
iw
sisiw
Ito ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig (a,e,i,o,u) at isang malapatinig (w,y) sa loob ng isang pantig. Ngunit kapag ang /y/ o /w/ ay napapagitan sa dalawang patinig, ito ay napapasama na sa sumusunod na patinig, kaya’t hindi na maituturing na diptonggo. Ang “iw”, halimbawa, sa “aliw” ay diptonggo. Ngunit sa “aliwan” ay hindi na ito maituturing na isang diptonggo sapagkat ang “w” ay napagitan na sa dalawang patinig. Ang magiging pagpapantig sa “aliwan” ay a-li-wan at hindi a-liw-an. Narito ang ilang halimbawa ng diptonggo sa Pilipino:
aliw labi’y aruy eywan totoy aray sabaw nowt giliw puti’y kasuy eyto batsoy taray bataw helow sisiw kami’y baduy reyna kahoy bahay kalabaw fown
Ang /iy/ sa kami’y, halimbawa, ayaw tanggapin ng iba bilang diptonggo sa katwirang dinaglat lamang daw ang “ay” at ikinabit pagkatapos sa “kami”. Paano raw ang kudlit (‘)? Linawain nating hindi binibigkas ang kudlit, na ang ating pinag-uusapan ay bigkas at hindi bantas. Pansinin na ang magiging transkripsiyon ng “kami’y” ay /kamiy/. Dito ay litaw ang diptonggong /iy/. Kung may salita tayong maibibigay upang lumitaw ang /ew/at /uw/, may pagdadaglat mang naganap o wala, tatanggapin nating diptonggo ang mga ito.

ttp://tl.wikipedia.org/wiki/Diptonggo





5 comments: